Ang saya-saya!!! Ilang raw na rin ang nakararaan ngunit ninanamnam ko pa rin ang alaala. Mga ati at kuya, kinakailangang maranasan niyo ang araw-araw na niraranas ko para lubusan ninyong maintindihan ang rurok ng aking kagalakan. Sa unang pagkakataon sa loob ng siyam na buwan na halos walang humpay na pagbubugbog ng utak at pagpipilipit ng dila para matutunan ang isang wikang banyaga, ibinuka ko ang aking bibig at--nanginginig at pumapadyakpadyak ako hanggang ngayon habang naaalala ko ito--nagsalita ng walang iba kung hindi Tagalog, o Filipino kung gusto mo.
Oo, dito mismo sa Pransiya naganap ito, chikahang nagsimula ng alas-diyes ng umaga at natapos ng alas-kuwatro, anim na oras , sey mo. Salamat kay Kala at Makis, na nagmaneho mula sa malayong lugar para makipagtagpo sa isang kababayan (ako) na hanggang noong nakaraang buwan ay nag-aakalang walang ibang Pinay na nakatira sa may dito. Ulit, Kala at Makis ang pangalan nila, wala akong litrato, pero may blog ang dalawang ito. (Ayan, nag-Ingles tuloy ako, pero ano ba ang wikang Filipino para sa blog, "blag"? Ili-link ko sila dito, hintay lang kayo.)
Nangyari ang lahat sa lungsod ng Arles, nung nakaraang Miyerkules, anim na oras na walang kahirap-hirap na pagsasalaysay ng mga kuwentong buhay. Kumain din kami, una sa Restaurant L'Entrevue at pagkatapos sa Fad'Oli, at naglakad sa napakahabang palengke, naghahanap ng itim na sinulid at itim na bag ("maleta"? "tampipi"?), ngunit karamihan ng panahon ay ginugol namin sa talakan.
Dahil mga kababayan, madali silang basahin at kaibiganin. Bukod sa hindi ko kinailangang maghanap ng palaging nagtatagong wikang Pranses, hindi ko din kinailangang palaging kuwestiyuhin kung tama ba ang basa ko sa personalidad at karakter ng taong kaharap ko, katulad ng madalas kong gawin kapag kahulimilo ang medyo malalamig at madalas na seryosong mga Europeans dito.
Hanggang dito na lang, magpapaalam na ako. Kay Kala at Makis, maraming salamat, kahit na hinayaan ninyo akong molestiyahin nung mamang matanda na maydalang gitara. Gayunpaman, winner ang araw na iyon. Ay hindi pala. Panalo!

7 comments:
Maraming salamat sa iyo, Apol! Ako ay tunay napuno ng galak na makilala ka sa wakas. Tunay na binigyan mo ng tuwa ang ating pagtitipon. Pangako sa susunod, di ko namin pababayaan molestiyahin ng sino mang mama - di ko kakalimutan kunan ng litrato para sa ebidensya :) Sa muli! *PHEW!*
Apol - isipin mo na lang ang kasiyahan ng mamang lasing nang ikaw ay kanyang nayakap. Sabi niya kaarawan niya. Malamang ay tunay siyang nasiyahan dahil sa kanyang buhay, kahit isang saglip lamang, ikaw ay kanyang nakapiling... hikbi...
Wall climbing naman tayo nina Makis sa susunod! Yeba!
Kala
hayyy, sana matagpuan nyo ang inyong mga sarili sa bandang espanya. hahainan ko kayo ng paella. =)
Game, Makis at Kala. Pagkatapos natin mag-wall-climbing, drive tayo sa Espanya para kumain ng Tuesday's paella!!! Spontaneity, di ba? Hahaha! Saya!
Hihihi, ang saya nitong entry na to mamu.
Keynote, kumusta ka na? Lumabas na ang write-up nyo ni Papy sa Marie Claire. Ang ganda-ganda nyo :) Paborito ko talaga ang sinabi nya na extra-terrestial ka daw kaya ka nya nagustuhan. Tama siya. Hindi ka tao. Kelan ka bibisita dito? Kelangan na namin mag-seminar sa yo. Hahahaha!!!
Abi, grabe blog mo... hindi ko kaya sa wit! Huy, Stephania! How iz? Sign up for my free online course bilis! :)
Post a Comment