Friday, March 30, 2007
Tsismosa, Ako
May ilan akong kakilala na ang buong akala ay sumkinda wild child ako. Sumkinda true naman. Aaminin ko, may pagka-lukaret ako. Pero dito, sa bagong bansang ito, naipamukha sa akin na meron din akong aspetong konserbatibo. Hindi ko alam kung bakit (nasa alignment kaya ng planets?) pero sa kasalukuyan ay napapaligiran ako ng mga babaeng may asawa o nobyo, pero mayroon ding pangalawang pag-ibig. Pramis, hindi makitid ang utak ko. Naniniwala ako na kailangan nating hayaan ang bawat isa na buhayin ang buhay na magpapaligaya sa kanya. Pero pag kuwentong kalaguyo na, napapanganga ako. Kapag nagsasalaysay ang mga girl friends ko tungkol sa kani-kanilang pamamangka sa dalawang ilog, sa loob-loob ay napapa-ohmygod ako. Tapos, natatawa ako sa sarili ko. Kasi kahit saanman ako dalhin, hindi ko yata talaga makakalimutan ang mga turo ng loka-loka-pero-relihiyosang nanay ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
grabe, multi lingual ka talaga.
alternate title to this entry: mga namamangka sa dalawang 'irog'
OMG nga! Parang proud pa ata sila ng lagay na yon ;( ! ikwento pa ba sayo !
Grabe, medyo nahirapan ako basahin - imagine kita telling me this live, super bilis sa pag wento :D
Ganyan din ako -- hindi ko mapagkakailang wild ako, at napakarami ko na ring nagawang (at ginagawang) kabalastugan sa buhay ko. Pero 'pag kinekwento ng mga kaibigan ko sa'kin ang kanilang pangangaliwa, 'di ako makasang-ayon. Apol, sa tingin ko, hindi ito pagiging konserbatibo o relihiyoso; mali ito dahil sa simpleng rason na ito'y nakakasakit ng ibang tao. 'Yun ang isa sa mga pinaka-importanteng batayan ko bago ako gumawa ng kagagahan: may masasaktan ba?
KATRINA, totoo ka! Ganyan din ang iniisip ko bago ako gumawa ng kalokohan. Pero, sa akin, may religious element din e, bunga palagay ko nung sandamakmak na Oktubreng pinilit akong mag-rosaryo tuwing umaga ng mga Augustinian Recollect Sisters sa eskuwela.
P.S. When you say things like this, you strangely sensible weird woman, I realize I really want to see you again for a mega-chatfest. If all goes well, last quarter of the year I'll be giving you a ring.
HAZE, no, hindi naman sila proud. Alam din naman nilang hindi tama yun... Nangyayari lang talaga minsan yan sa buhay.
MAKIS, alam ko, madaldal ako :)
MCSIS, how is the youknowwhatis???
Post a Comment