Kakatapos ko lang basahin ang
blog/blag ni
Patricia, at doon nakita ko ang salinawit ni Pete Lacaba. Yung kanta ni Edith Piaf na "
La Vie En Rose" isinalin ni Pete sa wikang Filipino at naging "Kulay-Rosas." Eniwey. Dahil hindi naman ako
poet (malaki lang ang aking puwet--uy!
rhyme!), hindi nagbunga ng makabagbag-damdaming tula ang pagbasa ko sa trabahong ito. Insteyd, bigla kong naisip ang mga salitang Tagalog na
miss na
miss na ng dila kong sambitin. Pruweba ay habang nagta-type ako ay sabay kong ninanamnam ang pagbuo ng mga salita at pangugusap na ito:
1.
Korek! (Hindi posibleng bigyang hustisya ang salitang "korek" kung hindi ito susundan ng "!")
2.
tsubibo (Puwede rin namang feyris
wheel.)
3.
pampa-byuti (Tamang nostalgiya ito: Madalas ko itong marinig nung nasa UP pa ako, galing sa mga kaibigang madalas ding magtanong, "Meron ba tayong wala tayo diyan?")
4.
chos (Madalas ko itong marinig sa
pianist/showbiz writer na si Blaiseblaiseblaise Gacoscos.)
5.
salamat (Kasi, kapag nagsasabi ako ng "
Merci," pakiramdam ko humihingi ako ng tawad.)
6.
manong/manang (... pabili nang kendi.)
7.
liempo (Puwedeng palitan ng salitang "baboy" o, kung
on a diet, ng "lechong manok.")
8.
Ang baho. (Kung nakatira ka sa Manila, halos araw-araw mong sasabihin ito.)
9.
Ganda mo! (Huwag kalimutan ang
sarcasm dito.)
10.
Wala akong paki. (Hindi lang pangungusap,
attitude din, na sa mundong ito, kakailanganin mo kung ayaw mong maloka na lang at maglaslas ng pulso.)
11.
Sige na, plis. (Sabayan ng matamis na ngiti at
flutter of the eyelashes.)
12.
damdamin (Dahil OA ako.)
13.
Bakit? (Kahit na kadalasan, wala talagang sagot; nangyayari na lang talaga.)
14.
Putangina mo! (Malutong na malutong; salitang nung nasa Pilipinas ako ay hindi ko nasabi masyado, dahil sa tatay ko na hanggang bente anyos ako ay sinasabihan akong ibibitin niya raw akong nang patiwarik kung marinig niyang magmura ako.)
15.
Hindi ba? (Sasabihin kapag naghahanap ng kakampi.)
16.
chika (Expert ako dito.)
17.
gimik (Kapag naririnig ko ang "
soirée" nila dito, mga nakakainis na naglalandiang
high school boys and girls ang naiisip ko.)
18.
Aray! (Hindi kailanman kayang i-express ng "
ouch" o ng "
ça fait mal" ang sakit na nararamdaman!)
19.
guinataan (Bilo-bilo kung puwede, pero mahilig din ako sa monggo.)
20.
mahal (Ang dalawang kahulugan nito ay nagtagpo sa isang ex-boypren na walang trabaho.)
21.
bukol (Dalawa din ang ibig sabihin nito...)
22.
Ang galing ano? (Isa ito sa paborito ko, kasi hindi ako
sophisticated eh, madali akong ma-impress.)
23.
rosas (Ang dami kasi niyan dito ngayon.)
24.
bumbero (Bakit
slightly nababastusan ako sa salitang ito?)