Thursday, May 10, 2007

Nakaka-Miss

Kakatapos ko lang basahin ang blog/blag ni Patricia, at doon nakita ko ang salinawit ni Pete Lacaba. Yung kanta ni Edith Piaf na "La Vie En Rose" isinalin ni Pete sa wikang Filipino at naging "Kulay-Rosas." Eniwey. Dahil hindi naman ako poet (malaki lang ang aking puwet--uy! rhyme!), hindi nagbunga ng makabagbag-damdaming tula ang pagbasa ko sa trabahong ito. Insteyd, bigla kong naisip ang mga salitang Tagalog na miss na miss na ng dila kong sambitin. Pruweba ay habang nagta-type ako ay sabay kong ninanamnam ang pagbuo ng mga salita at pangugusap na ito:

1. Korek! (Hindi posibleng bigyang hustisya ang salitang "korek" kung hindi ito susundan ng "!")

2. tsubibo (Puwede rin namang feyris wheel.)

3. pampa-byuti (Tamang nostalgiya ito: Madalas ko itong marinig nung nasa UP pa ako, galing sa mga kaibigang madalas ding magtanong, "Meron ba tayong wala tayo diyan?")

4. chos (Madalas ko itong marinig sa pianist/showbiz writer na si Blaiseblaiseblaise Gacoscos.)

5. salamat (Kasi, kapag nagsasabi ako ng "Merci," pakiramdam ko humihingi ako ng tawad.)

6. manong/manang (... pabili nang kendi.)

7. liempo (Puwedeng palitan ng salitang "baboy" o, kung on a diet, ng "lechong manok.")

8. Ang baho. (Kung nakatira ka sa Manila, halos araw-araw mong sasabihin ito.)

9. Ganda mo! (Huwag kalimutan ang sarcasm dito.)

10. Wala akong paki. (Hindi lang pangungusap, attitude din, na sa mundong ito, kakailanganin mo kung ayaw mong maloka na lang at maglaslas ng pulso.)

11. Sige na, plis. (Sabayan ng matamis na ngiti at flutter of the eyelashes.)

12. damdamin (Dahil OA ako.)

13. Bakit? (Kahit na kadalasan, wala talagang sagot; nangyayari na lang talaga.)

14. Putangina mo! (Malutong na malutong; salitang nung nasa Pilipinas ako ay hindi ko nasabi masyado, dahil sa tatay ko na hanggang bente anyos ako ay sinasabihan akong ibibitin niya raw akong nang patiwarik kung marinig niyang magmura ako.)

15. Hindi ba? (Sasabihin kapag naghahanap ng kakampi.)

16. chika (Expert ako dito.)

17. gimik (Kapag naririnig ko ang "soirée" nila dito, mga nakakainis na naglalandiang high school boys and girls ang naiisip ko.)

18. Aray! (Hindi kailanman kayang i-express ng "ouch" o ng "ça fait mal" ang sakit na nararamdaman!)

19. guinataan (Bilo-bilo kung puwede, pero mahilig din ako sa monggo.)

20. mahal (Ang dalawang kahulugan nito ay nagtagpo sa isang ex-boypren na walang trabaho.)

21. bukol (Dalawa din ang ibig sabihin nito...)

22. Ang galing ano? (Isa ito sa paborito ko, kasi hindi ako sophisticated eh, madali akong ma-impress.)

23. rosas (Ang dami kasi niyan dito ngayon.)

24. bumbero (Bakit slightly nababastusan ako sa salitang ito?)

15 comments:

The Disparate Housewife said...

Hi Apol! Ang saya!
Kahit nung ako'y nag-abroad, "aray" pa rin talaga ang sinasabi ko kapag napapaso o natatapilok.
Sa #24: Dahil may gamit siyang...pandilig.

decorator said...

hahahhahaha!!!

in fairnez, mamimiss mo naman talaga... lalo na yung chikang pang dinggers...


pero atih, higit sa lahat, ikaw ang namimiss ko--- ng bonggang bongga!!!

Makis said...

Oi, para sa akin ibang-iba talaga ang "mahal kita" kesa sa ingles o french version - talagang damdam na damdam diba?! Tulad din ng "inay" kesa sa mommy. Tapos nung isang beses, nung sagot sa kamusta ko eh "mabyuti," talaga namang iba ang dating, kahit siguro corny kung di natinna-mimiss :)

Anonymous said...

Apol, naririnig ko sa utak ko ang boses mong nagsasabi ng "Korek ka diyan!" habang naglalakad tayo sa mga kalye ng Aix en Provence. Tsaka nasaan na ang "bagets"?! Sa yo ko na discover yan.

Pag nagugulat ako, ginagamit ko pa rin ang expression na "Inay!" Jologs talaga ako.

Kala

A said...

Waith waith, pwedeng makidagdag? Pasensya na lang sa spelling, kasi pasang-awa lang ako sa balarila eh.

1. Kembot
2. Balakang
3. Tinapa
4. Sa presinto ka na lang magpaliwanag

Although hindi pala ako counted, kasi andito na uli ako sa pinas. Aru. Aru! Isa pa yang masarap sabihin. Aru.

Apol said...

IANNE, sa sagot mo sa #24: Korek!!!

GWYN, bonggang-bongga,ayan type ko din yang sabihin. Sa namimiss mo ako, eh bibisita ka na soon dito, hendiba?

Naku, MAKIS, absence really makes the heart grow fonder, ano? Palagay ko, yung hindi pa tumitira sa ibang bayan na wala at all nagsasalita ng lengguwahe natin, hindi masyado mage-gets ang pagka-fixated ko sa issue na ito. Lalo na dito na sulok ng mundo ko na wala talagang ibang Pinoy. Alam mo bang isa iyan sa rason kung bakit occasionally ay chinichika kita ng isang oras sa telepono? Para talaga makapag-Tagalog! :)

KALA, binakla ko talaga ang quaint university town charm ng Aix, ano? "Bagets," oo nga, nakalimutan ko yan.Sa susunod na intsallment, pramis. Ay, ako pag nagugulat, isang walang ka-glamor-glamor na "Shet!" ang nasasambit ko.

ABI, gusto ko yang "balakang" at "kembot." Sa "tinapa" nababahuan ako... Ay, tina-try ng asawa ko yang, "Sa presinto ko na lang magpaliwanag." Wala masyadong impact kapag sinasabi ng may accent... Aru!

Anonymous said...

Pag naiinis ako dahil nga hindi ako nagmumura ang sinasabi ko PUSANG INA ! At pag nagugulat ako AY KALABAW!!! Pag bilib ako sasabihin ko kaagad HANEP ANG ASTIG NG DATING MO ! Sarap talaga mag tagalog lalo na pab napapalibutan ka ng Filipino community, nalilito na nga ako kasi Ilokano, Illonggo at may Kapangpangan dito pero syempre pag nag sama sama Tagalog di ko kaya sila ma gets !

decorator said...

atih! ay oo... pinagtitipiran ko ng maigi! pakshet, kailangan ko na magpagawa ng travel plan para sa embassy. bog!

decorator said...

ay... kailangan kong idagdag... sayo talaga ito nanggaling na naiiskandalo pa rin ang mga tao pag sinasabi ko---

KORAMSIKAYLIMINOWG!!!

Anonymous said...

paalala: may tipanan tayo sa arles bukas
susmaria,sa wakas! isang pinay!

irene

Anonymous said...

Apol, nakakatuwa itong entry mo. Ako namimiss ko yung salitang 'Game' after ng isang interruption sa pag-uusap. wala rin masyadong Pinoy dito sa kinalalagyan ko kaya talagang miss ko magtagalog...lahat na ng kaibigan kong Pinoy (eh dalawa lang sila, heheeh) tinatawagan ko every night para lang makipag usap ng tagalog...nakakasakit sa ulo mag-Ingles!!! - Len

Anonymous said...

Apol, pahabol
Bukod sa mga salitang gamit sa pagbulalas ng emosyon, miss mo rin ba ang mga salita tulad ng sarap, aminin, nag-iinarte, magmaganda, kaganyanan ...At saka the way we appropiate or corrupt (with spelling and pronunciation) foreign words - syet, plis, pa-cute (pwede ring accent on the second syllable!), labs, sori. Oy, even your name's a corruption. O sya, Patrisya ;-)

Apol said...

HAZE, feeling ko nga I was back in the Pilipens nung binisita ko kayo sa Marseille.

GWYN, sabi nung isa kong bading friend sobra na raw luma yung expression ko na iyan. And he's right, college pa ako sinasabi ko na yan. Ang full version (ready ka na?): KORAMSIKYLIEMINOGUE
WITHMATCHINGDANNIMINOGUEINTOW.

LEN, hanggang ngayon I say "Game" all the time! Never mind that nobody here gets it :)

Sorry, IRENE. Next time...

PATRING, it started as a very normal Apple, but at 18 I changed the spelling because I wanted to be "different" (yeah, it's the age, no?).

Chinachix said...

apol...harriet here. not sure if we formally met in manila, but i think we were both working in publishing around the same time (summit and abs). anyway, i just love this blog entry! o di ba?

Apol said...

Hi, Harriet! We'd see each other at press cons and such, but were never formally introduced, I think. So, hello! Nice to finally meet you :)